MARKAHANG PANGGANAP

     First Jab? Nagkaroon na ako nito at makukumpleto na sa Miyerkules ang ikalawang inheksyon ng pfizer at masabi ko na rin na ako ay isang certified #FULLY_VACCINATED! 

    

    Ang bakuna ay nanatiling pinakamakapangyarihang kasangkapan laban sa COVID19. Ayon nga sa nanay ko, mas kampante daw siya kung magpapabakuna ako, dagdag niya ay mas maliit and tsansa o porsiyento ng mga nababakunahan na mananatili pa ring malakas na protektado laban sa virus, pagpaospitall at pagkamatay. 


    Pero tila ang iba sa ating mga kababayan ay walang planong namnamin ang libreng bakuna na sinasabi ko. Hinihikayat ng mga opisyal ng mga branggay at syudad na magpabakuna na sa lalong madaling panahon. Maliban sa pagsusuot ng mask, pagdadala ng alcohol at pagpapanatiling malusog sa pagkain ng mga masusustansyang pagkain at ang pagpapabakuna and pinakaunang dapat isaalang-alang ng bawat isa sa atin. Gustuhin man natin o hindi, wala na tayong magagawa dahil bahagi na ng ating pamumuhay ang kumakalat na virus na ito. 


    Ngayon tanong ko sa inyo, ano ang mga magawa mo upang kumbinsihin ang mga natatakot magpabakuna? E-commnet mo lang sa ibaba ng blog na ito. Maraming salamat! 




Mga Komento

Kilalang Mga Post