KALAYAAN
FREEDOM, THE REAL ESSENCE OF HAPPINESS
Kalayaan, Di nakukuha ng lahat. Ang pagiging malaya sa mundong ito ay halos impossible. Masarap talaga sa pakiramdam pag malaya ka sa mga bagay bagay at sa mga gagawin mo. Magagawa mo lahat ang gusto mo, kahit ano-ano. Walang nag babantay o walang humaharang sa mga gusto mong gawin kapag malaya ka. Makakapag desisyon ka ng walang opinyon na mabibigay ang iba.
Mabuti nga bang maging malaya tayong lahat? O ka unti lang ang nararapat na maging malaya? Gagamitin ba nila ito sa tamang paraan? Sa iba, binabayaran ang kalayaan, inaabuso, di ginagawa sa tamang paraaan, maikabubuti ba ito ng mga tao kung malaya silang lahat? Hindi. Magkakagulo ang buong mundo pag may kalayaan tayo sa lahat ng bagay.
Nung bata ako, naging malaya ako, ginawa ko lahat ng gusto kong gawin kahit magagalit ang mga magulang ko. Kumain ako ng anumang makikita ko, pumapasyal kahit saan, naglalaro buong araw sa ilalim ng araw. Naikabubuti ba sakin ang mga gusto kong gawain? Hindi. Bakit? Kapag maari mong gawin lahat ng gusto mo may kapalit na kinalabasan. Nagkasakit ako nung kumain ako ng kahit ano-ano. Sumakit yung ulo ko ng pumapasyal ako kahit saan saan dahil buong araw akong naka tutok sa araw. Dahil sa pawis ko sa paglalaro, sinugod ako sa ospital dahil sa lagay ko.
Habang lumalaki ako, may kaunting kalayaan ako sa mga ibang bagay. Masama din sa sarili kapag malaya ka sa lahat ng gawain mo. Maaring maka dudulot ito ng masamang pangyayari sayo. It's good to have a little bit of freedom. It's your choice if you want to be free but there will always be an outcome to everything you do.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento