EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

 3 C's- Choice, Chance, Change

                    Choice- Internet friends

               Mag kaibigan man kami pero mas gusto ko silang kilalanin. Sinasabayan nila ako sa paglalaro kahit hindi ako masyadong magaling. Kahit man kami ay matalo sa laro ay pinili padin namin mag laro kasi mas importante daw ang magiging masaya at kasama sila kesa sa pagpapanalo ng laro. Hindi lang sa paglalaro pero kapag may problema ako ay nakikinig sila sa akin. Kaya gusto kong mas maging malapit sa kanila, pisikal at emosyonal dahil malaking tulong ang naidulot nila sa akin nung ako ay walang kaibigang malalapitan. Napapangiti nila ako sa simpleng bagay.


Mga taong nandito; Vander, Ash, Peachy, Migi
For privacy, hindi ko nalang i popost ang kanilang mukha.





                    Chance- Childhood friends

                          Ang aking mga childhood friends. Simula ng nag grade 2 ako ay hindi ko na sila nakita muli at hindi ko na sila kaibigan ngayon. Kahit sandali lang sana ay pwedeng mabalik ang "bond" noong bata pa kami. Kaibigan kami sa social medias kagaya ng Facebook pero hindi na kami nagsasalita sa isa't isa. May espesyal na lugar sila sa puso ko dahil sila ang unang naging kaibigan ko sa paaralan. 
Mga taong nandito; Melwin, Hanz, Trisha, Lian, at ako.




                    Change- Mga kaibigan ko 
                
                            Tanggap ko kung ano sila pero kung pwede ay sana ma bago ang kanilang mga ugali. Minsan kasi parang hindi na nakakatuwa ang mga biro nila. Minsan din nakakasakit na sila ng tao. Minsan din hindi sila marunong tumanggap at rumespeto. Pwede naman sigurong magbibiro pero sana ay alam nila ang kanilang mga limitasyon. Minsan din ay nagpapataasan ng pride, sana ay babaan nila ng konti at sana ay open minded din sila. Minsan din ang sobrang selfish ng iba, kahit nag sasabi ka ng problema mo ay hindi ka nila pakikinggan at tatalon sila sa ibang paksa. My friends have changed me at mas nagiging matured ang mindset ko when it comes to picking the right people for me. Hindi siguro ngayon pero gusto kong mag cut ties ng ibang kaibagan ko.  Hindi lahat ng kaibigan ko ang sinasabihan ko nito pero lahat sila ay ilalagay ko sa picture para sila na ang bahala kung sino ang tinutukoy ko.  











            
                


                

Mga Komento

Kilalang Mga Post