“Depresyon Ng Mga Kabataan”

Depresyon 


          Ang depresyon ay hindi natin makikita at hindi natin nalalaman. May mga taong masaya, ngunit di natin nalalamang may sakit na nararamdaman ang tao o kahit sino na maapektuhan nito. Kadalasan na naaapektuhan nito ay mga kabataan, lalong lalo na sa panahon natin ngayon.







          Bilang isa sa mga kabataan ngayon, ako din ay nakaranas ng depresyon, lalong lalo na kapag wala ka ng alam sa buhay at pagod na pagod kana. ‘Yung tipong gusto mo ng mawala sa mundong ito at nawawalan ka na ng gana na kumilos. Nung nakaranas ako ng depresyon, parang ang hirap hirap na at parang naguguluhan kung ano ang maaring maigawa ko. Yung pakiramdam na gusto mong sumigaw, gusto mong umiyak sa harap ng mga tao, at lalong lalo na mawala sa mundo. Siguro parang gusto ko may ‘reset’ button para mabago ko yung buhay ko at para mawala ang mga problemang-patong-na tumatama sa akin. Pero nalaman ko may magagawa ka rin sa huli.

    




          Nalaman ko na may paraan lahat, kaya nga, “There is always a solution for every problem” Di ito madali lalong lalo na kapag mabigat ang problema, pero kung kaya mo, kakayanin mo hanggang sa makahanap ka ng solusyon sa lahat ng mga problema mo. Bumubulong ako sa sarili ko na kakayanin ko ito, unti unti kong inangat ang sarili ko hanggang sa naka abot ako sa itaas. May nakausap akong taong nakwekwentuhan ko sa lahat ng problema ko, gumaan ang nararamdaman ko nung nakwentuhan ko siya sa nararamdaman ko. Sa mga taong na dedepress, dapat niyo ilabas ang nararamdaman nyo, Move on, magbago na at ibago ang direksyon ng buhay mo, at sa mga nanghuhusga, itigil nyo yan kasi nakakasama ng pakiramdam at maari kang makapatay ng tao lalo na ang pagpapakamatay, di mo ito buhay kaya wag ka maki alam. Nakakaranas talaga tayo ng masasamang pangyayari lalong lalo na kapag nasa tamang edad na tayo makakaranas nito. Manatiling positibo kung amo man ito at matatapos din ito.


WAG KANG SUMUKO, MANATILING POSITIBO



Mga Komento

Kilalang Mga Post